top of page

Pitong araw ng Merienda


ree

Ang Buwan ng Wika ay hindi lamang tungkol sa wika—ito ay tungkol sa pagdiriwang ng pagkakabuo sa atin bilang Pilipino, kabilang ang ating mayaman at masasarap na kultura ng pagkain. Katulad ng ating mga wika at diyalekto, ang lutuing Filipino ay nagsasabi ng kuwento ng ating mga rehiyon, tradisyon, at pagkakakilanlan. Bawat kagat ng kakanin, bawat higop ng sinigang, at bawat plato ng adobo ay may dalang salita, init, at karunungan ng ating mga ninuno.

Sa panahon ng Buwan ng Wika, hindi lang tayo nagsasalita ng wikang Filipino—tinitikman natin ito, ibinabahagi, at isinasabuhay ito sa ating mga pagkain. Ang pagkain ang ating wika ng pagmamahal, pagdiriwang, at koneksyon. Mula sa lutong-bahay hanggang sa pagkaing kalye, ang ating mga pagkain ay nagpapahayag ng parehong layunin ng Buwan ng Wika: ang parangalan ang ating mga ninuno at panatilihing buhay ang ating kultura. Gumawa kami ng 7 araw ng Merienda flashcards na ang layunin ay maturuan ang mga nakababatang henerasyon, 'one kakanin at a time'. Huwag mag-atubiling mag-download, mag-print, at sama-sama tayong matuto :)





 
 
 

Comments


Store in cool dry place

Do not expose to direct sunlight

Best consumed immediately for maximum quality

02 8330 0130

©2025 by Dolor's Kakanin

bottom of page