top of page

Buwan ng Wika / Fiesta Theme

Agosto ay ang buwan na pinagdiriwang ang ating wika, ngunit ano ba talaga ang kahulugan nito sa ating mga Pilipino?

Tayong mga Pilipino kung magpapakatotoo lang ay hindi naman talaga masyadong makabayan. Karamihan ay mas pabor sa mga gamit na imported at naniniwalang mas mahusay pa ito kaysa sa gawang local.


Kinalakihan na din natin na sa eskwelahan tuwing Buwan ng Wika o asignatura sa Filipino, kailangan lang magdala ng anumang local memorabilya o pagkain sa paaralan upang gunitain ang paksa.


Sa mga kadahilanang ito, kami dito sa Dolor's Kakanin ay nagsusumikap na i-sama ang aming mga produkto at maiugnay sa mas nakababatang henerasyon at maimulat sa kanila na ang ating kakanin ay kahanga-hanga din tulad ng mga cake, donut at iba pang pastries.


Sa pamamagitan ng pagkain, sana'y makaantig kami ng buhay at makabuo ng isang pangunahing alaala na maaaring mabuhay sa puso't isipan ng indibidwal at maaalala tuwing nakakakita o nakakatikim ng ating mga produkto.



Ikaw, ano ang iyong paboritong panghimagas o meriendang Pinoy? Maaari kaming tawagan sa 8330-0130 o padalhan ng mensahe sa pamamagitan ng aming social media (Facebook / Instagram) para sa karagdagang detalye.

393 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page